^

Bansa

Pinas ‘sinakop’ na ng China

Lordeth Bonilla, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas �sinakop� na ng China
Isa sa mga tarpaulin na nakasabit sa pedestrian overpass sa Quezon City.

Red tarpaulins nagkalat sa MM

MANILA, Philippines — Mistulang “nasakop” na ng China ang Pilipinas matapos kumalat kahapon sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila ang mga red tarpaulin na nagsasabing “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Ang mga tarpaulin ay nakitang naglipana sa ilang mga footbridge ng Commonwealth at Quezon Avenue sa Quezon City, Espana-Rotonda, Pasay City at C5 sa Makati City.

Agad namang binaklas ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tarpaulin.

Ayon kay MMDA Ge­neral Manager Jojo Garcia, hindi nahagip sa CCTV ng MMDA kung sino ang mga taong responsable sa pagkakabit ng mga red banner.

Posibleng aniyang ikinabit ito ng madaling araw dahil walang mga nakatalagang enforcers.

Ayon naman kay Sen. Chiz Escudero, imposibleng mismong ang gobyerno ang maglalagay ng mga nasabing tarpaulins.

Sinabi ni Escudero na “witty” pero nakakaasar ang mga nasabing tarpaulins na maituturing na propaganda pero tiyak niyang hindi ito kagagawan ng administrasyon.

Naniniwala rin si Escudero na bahagi ng paninira sa gobyerno ni Pangulong Duterte ang mga kumalat na tarpaulins

Sa kaniyang social media post, sinabi naman ni dating Solicitor General Florin Hilbay na malaking insulto ito sa ating mga Filipino, lalo na dahil natapat pa ito sa ikalawang ani­bersaryo ng ating panalo sa kaso sa The Hague, Netherlands.

Itinanggi naman ng Makabayan bloc na sila ang nasa likod ng nasabing mga tarpaulin

Sa pulong balitaan sa Kamara, binigyan diin ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi sila ang may pakana ng naturang “gimmick.”

Wala aniya silang pondo para gawin ito, at kung mayroon man, sa mas “makubuluhan” na bagay na raw nila ito ilalaan katulad na lamang ng kanilang paghahanda para sa mga pagkilos na kanilang gagawin para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa darating na Hulyo 23.

Posible aniya na ang “dark joke” na ito ay pa­kana ng ibang kritiko ni Pangulong Duterte para ipahayag daw ang “reyalidad” ngayon sa Pilipinas sa pamamagitan ng “sarcasm.”

vuukle comment

PROVINCE OF CHINA TARPAULI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with