^

Bansa

Pulong kumasa na kay Trillanes!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pulong kumasa na kay Trillanes!
Duterte at Trillanes

MANILA, Philippines — Planong kasuhan ng kriminal at sibil ni dating Davao City Vice-Mayor Paolo “Pulong” Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa umano’y malis­yosong pagkakadawit nito sa kanya sa P6.4 bilyong shabu shipment sa Bureau of Customs (BoC) noong nakaraang taon.

Sinabi ng Presidential Son, hindi niya palalampasin ang tangkang pagwasak ni Trillanes sa kanya nang magpalabas ito ng black propaganda na nais sirain ang kanyang pangalan, reputasyon at integridad.

Ayon sa batang Duterte, sinadya ni Trillanes na magpakalat ng mga kasinungalingan at imbentong istorya laban sa kanya dahil desperado rin umano itong sirain ang liderato ng kanyang amang si Pa­ngulong Rodri­go Duterte.

“Sen. Trillanes manufactured lies and delibe­rately spread these lies with the obvious intention of destroying my name and maligning my reputation, with a view to impac­ting negatively against our beloved Presi­dent,” sabi ng dating bise alkal­de ng Davao City.

Idinagdag pa nito, ang pag-atake at paninira sa kanya ni Trillanes na pawang batay lang sa mga tsismis ay isang pang-aabuso sa kanyang parliamentary immunity bilang miyembro ng Senado.

Ipinaliwanag din ng Presidential Son na hindi na saklaw ng nasabing immunity ang mga mapanirang komento nito laban sa kanya sa mga media interview nito dahil nangyari aniya ang mga ito sa labas ng Senate hall.

Noong Disyembre, nagsampa ng rekla­mong sibil ang batang Durter­te at bayaw na si Atty. Manases Carpio sa Davao City regional trial court matapos silang akusahan ni Trillanes na sangkot umano sa smuggling sa BoC.

Sinabi pa ng senador na pinamumunuan ng mag-bayaw ang sinasabing Davao Group na nasa likod ng katiwalian sa BoC.

Ikinagalit din ni Duterte ang akusasyon ni Trillanes na kabilang siya sa Chinese drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.

Kapwa naman pina­bulaanan ng mag-bayaw ang lahat ng akusasyon ni Trillanes laban sa kanila nang pareho silang humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

PAOLO “PULONG” DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with