^

Bansa

Luzon at Visayas uulanin pa rin ngayong Linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Luzon at Visayas uulanin pa rin ngayong Linggo
Itinuturo ni PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin ang lokasyon ng bagyong Domeng na tinatayang nasa 565 kilometro mula sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Bagamat walang public warning signal ang bagyong Domeng, patuloy naman nitong pauulanin ang malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila gayundin ang Western Visayas sa susunod na dalawang araw.

 Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, ito ay dahil patuloy na paiigtingin ni bagyong Domeng ang Habagat na siyang magpapaulan sa naturang mga lugar.

 Alas-11:00 ng umaga kahapon, ang tropical storm na si Domeng ay namataan ng PAGASA sa layong 565 kilometro ng silangan hilagang silangan ng  Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umabot sa  85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 kilometro bawat oras.

Si Domeng ay patuloy ang pagkilos pahilaga hilagang silangan sa bilis na 21 kilometro bawat oras.

 Ngayong linggo, inaasahan ng PAGASA na si Domeng ay nasa layong 1,060 kilometro ng sila­ngan hilagang silangan ng Basco, Batanes at sa lunes ay nasa layong 1,980 kilometro hilagang silangan ng  Basco, Batanes o nasa labas na ng ating bansa.

vuukle comment

TYPHOON DOMENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with