P1.61-B budget sa Dengvaxia victims lusot
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang P1.61 billion supplemental budget para sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Dahil sinertipikahan itong urgent ni Pangulong Duterte ay agad nailusot ang naturang panukala.
Ang halagang gagamitin sa supplemental budget ay galing sa pera na isinoli ng Sanofi Pasteur sa gobyerno para sa Dengvaxia vaccine na hindi na nagamit.
Sa naging botohan, 231 kongresista ang pumabor sa supplemental budget na ito habang walang tumutol at wala rin nag-abstain.
Sa nasabing pondo, P945 million rito ang ilalaan para sa medical assistance ng mga Dengvaxia vacinees.
Ang natitirang bahagi naman ng budget ay ilalaan sa profiling ng mga nabakunahan, at pagkuha na rin sa serbisyo ng karagdagang mga nurse.
- Latest