^

Bansa

Montano tinabla ni Digong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Montano tinabla ni Digong
Ito naman ang idiniin ng isang impormante sa Department of Tourism makaraang humirit pa umano si Montano na hanggang Hunyo siya manatili sa DOT.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong  Rodrigo Duterte na umano ang nagsabi kay dating Tourism Promotion Board chief at aktor na si Cesar Montano na magbitiw na ito sa puwesto.

Ito naman ang idiniin ng isang impormante sa Department of Tourism makaraang humirit pa umano si Montano na  hanggang Hunyo siya manatili sa DOT.

Ayon  sa impormante, tinabla ni Duterte si Montano at sa halip  ay pinayuhan itong agad nang lisanin ang kanyang posisyon.

Sinabihan din umano ito na huwag nang  maghanap pa ng  padrino upang manatili sa puwesto.

Dahil dito, mistulang  wala nang tiwala ang Pangulong Duterte kay Montano makaraang masangkot sa kontro­bersiyal na P320 milyong ‘Buhay Carinderia’ na isang  culinary tourism project.

Ang proyektong pinondohan ng TPB at hindi umano sumailalim sa bidding ay natuklasan ng bagong Tourism Secretary na si Berna Romulo Puyat.

Ang P80 milyon  sa P320 milyon ay naibayad na  sa nasabing proyekto. Ito na rin ang naging dahilan upang  suspindihin ni Romulo-Puyat ang ‘Buhay Carinderia’ project  na umano’y aprubado ng board.

Una nang sinabi ni  Montano na ang lahat  ay aprubado ng board at matagal nang ginagawa sa TPB.

Sinabi rin ni  Montano na si dating Tourism Secretary Wanda Teo ang nagpakilala sa kanya sa may ari ng  Buhay Carinderia na si Linda Legaspi ng Marylindbert International.

Related video:

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with