^

Bansa

‘Backchannel’ talks sa CPP-NPA gumulong na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Backchannel� talks sa CPP-NPA gumulong na
Magugunita na mismong si Pangulong Duterte ang nag-anunsiyo noong Abril 3 sa Oriental Min­doro na bibigyan niya ng huling pagkaka­taon ang mga communist group na ituloy ang peace talks sa gobyerno pero dapat ay maging sinsero sila sa pagkakataong ito.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Gumugulong na ang ‘backchanneling talks’ sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Magugunita na mismong si Pangulong Duterte ang nag-anunsiyo noong Abril 3 sa Oriental Min­doro na bibigyan niya ng huling pagkaka­taon ang mga communist group na ituloy ang peace talks sa gobyerno pero dapat ay maging sinsero sila sa pagkakataong ito.

“Kaya pwede ta­yong mag-usap. Hintuan ninyo ang revolutionary go­vernment, huwag na kayong mag-sunog in the name of taxation kasi kaawa ‘yung mga negosyante.

 “In the meantime na kung gusto niyo talagang totohanan, is you stop immediately, you and I ceasefire tayo. Ni walang isang putok, maski labintador and I would be happy,” wika pa ng Pa­ngulo noon sa kanyang mensahe sa Mindoro.

Hinikayat pa mismo ni Duterte si CPP founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng bansa upang makiisa sa peace talks at handa niyang bayaran ang anumang gagastusin nito sa pag-uwi sa bansa.

Binigyan naman ng 60 days ng Pangulo ang peace talks upang magkaroon ng resulta kasabay ang paniniguro nito sa mga NPA at communist leaders kahit kay Joma Sison na puwede silang bumaba mula sa bundok na walang aaresto sa kanila.

vuukle comment

CPP-NPA-NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with