^

Bansa

PCGG bigong ibenta ang ari-arian ng mga Marcos

Pilipino Star Ngayon
PCGG bigong ibenta ang ari-arian ng mga Marcos
Bumisita si dating first lady at ngayo'y Ilocos Rep. Imelda Marcos sa puntod ng kaniyang asawa na si dating Pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ibenta ang mga nakaw na ari-arian ng pamilya ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ayon sa Commission on Audit (COA).

Siyam na ari-arian na nabawi mula sa mga kadikit ni Marcos ang hindi nadispatsa ng PCGG nitong nakaraang taon.

“The audit team said that during the year, there was no public bidding conducted to privatize the assets. The management failed to dispose of the properties from previous years,” nakasaad sa COA report.

Noong 2014 pa huling nakabenta ang PCGG, kung saan apat lamang mula sa 11 ari-arian lamang ang nabili.

Tinatayang aabot sa P336.014 milyon sana ang kikitain ng gobyerno kung nabenta ang mga ito nitong 2017. Gagamitin sana naturang halaga para sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) alinsunod sa Republic Act 6657.

Ang siyam na ari-ariang ibebenta sana ay ang 26,812-hectare Bredco property sa Bacolod City na isinuko sa gobyerno na may kompromisong kasunduan kina Antonio Martel at Simplicio Palanca; ang 6.4-hectare property sa General Mariano Alvarez, Cavite na isinuko ni Jose Campos; ang 5,952-square meter lot sa Naga City na nakuha sa Banahaw Brodcasting Corp. ni Roberto Benedicto; ang 2,335-sqm na lupain sa Francisco Evergreen Subdivision sa Tagaytay City; ang 1,000-sqm Puerto Galera property sa Oriental Mindoro na nakuha mula kay Jolly Bugarin; ang 300-sqm lot sa Calapan, Oriental Mindoro galing din kay Bugarin; ang 480-sqm lupain sa Kingswood Property sa Emerald Court Subdivision, Caloocan City na isinuko ni dating Marcos aide Alejo Ganut Jr.; dalawang 300-sqm lupain sa Pangarap Village, Caloocan City galing din kay Ganut.

Sinabi ng COA na hindi naibenta ang mga ari-arian matapos mabigo ang PCGG na ito ay i-reappraise.

Inamin naman ni dating PCGG chairman Reynold Munsayac na nag-alangan silang isapribado ang mga ari-arian dahil sa pag-isyu ng COA ng notices of charge laban sa nakaraang namamahala.

Ang COA ay naglabas ng notice laban sa transaksyon kung ang tax, customs duties o appraisal ng ari-arian ay mas mababa sa inaasahan o naka-target na halaga.

Sabi ni Munsayac na ang Department of Finance and the Privatization Council ang nagtakda ng mga presyo ng mga nakaraang naibentang ari-arian ngunit ang COA pa rin ang nagtakda ng mas mataas na halaga.

Tiniyak niya na makikipagtulungan ang PSGG sa COA para sa reappraisal ng mga ari-arian at magtatakda ng mga bagong presyo.

Sa kabila ng kabiguan na ibenta ang ari-arian noong 2017, sinabi ng COA na nakapagbigay ang PCGG ng kabuuang P377.66 million sa Bureau of Treasury kung saan nahigitan nito ang target na remittance ng komisyon sa taong iyon.

Sinabi pa ng COA na ang mga remittance ay hindi galing sa pagsisikap ng PCGG na makuha ang mga nakaw ng yaman kundi sa mga kinita ng mga naipanalong kaso laban sa Pamilyang Marcos at sa mga kaibigan nito nitong mga nakaraang taon.

vuukle comment

COA

MARCOS

PCGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with