^

Bansa

Digong nangako ng tulong sa Pinoy fishermen

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Inaresto sa Indonesia

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang Special Assistant to the President Crhistopher ‘Bong’ Go na bibilisan ang repatriation ng iba pang Filipino na mangi­ngisda na inaresto sa Indonesia.

Ginawa ni Go ang pangako matapos pangunahan nito ang pagsalubong sa 31 mangingisdang Pilipino na na-repatriate mula sa Indonesia sa isinagawang welcome program sa mga ito sa Camp Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan Davao City kamakalawa.

Personal na iniabot ni Go ang cash assistance sa 31 Pinoy repatriates kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Foreign Affairs.

Kabilang sa 31 repatriates si Randy Capricho na naaresto sa Indonesia noong November 28, 2016 dahil sa illegal na pa­ngingisda habang buntis noon ang asawang si Marjuri.

Sa isinagawang welcome ceremony, labis ang pasasalamat ni Marjuri kay Go dahil sa ipinakita nitong pagkalinga at suporta sa kanilang pamilya at sa iba pang repatriates.

Binigyang-diin ni Go na hahanapan niya ng mas mabilis na solusyon ang ganitong problema ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at maging kay Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with