Election materials ilalabas na
MANILA, Philippines — Sisimulan na ngayong linggo ng Commission on Elections ang deployment ng mga election paraphernalia patungo sa mga local COMELEC offices.
Ayon kay COMELEC Commissioner Sheriff Abas, unang-unang ipadadala ang mga balota at supplies sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na siyang pinakamalayong lugar sa April 25, Miyerkules.
Habang pinakahuli namang bibigyan ng supplies ang National Capital Region o NCR sa May 8 hanggang 9. Paliwanag ng Comelec, kailangan na maihanda na ang mga election paraphernalia sa lahat ng lalawigan upang maiwasan ang pagkukumahog.
Bagama’t local election lamang ito, kailangan pa rin na handa ang lahat dahil ipupuwesto ng nasa grassroots ang kanilang maging local leaders.
- Latest