^

Bansa

Aquino ipapatanggal sa kakasuhan sa Dengvaxia

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Aquino ipapatanggal  sa kakasuhan sa Dengvaxia
Naniniwala si Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat isama ang dating presidente sa mga sinasabing nagsabwatan sa pagbili ng anti-dengue vaccine.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nadagdagan kahapon ang mga senador na balak isulong ang pag-amyenda sa committee report sa isi­nagawang imbestigasyon sa isyu ng Dengvaxia upang tanggalin ang pangalan ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga irerekomendang sampahan ng kaso.

Naniniwala si Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat isama ang dating presidente sa mga sinasabing nagsabwatan sa pagbili ng anti-dengue vaccine.

“In principle yes, that’s one of our ideas and proposal (tanggalin ang pangalan ni PNoy).

Sinabi ni Gatchalian hindi siya kumbinsidong “criminally liable” si Aquino bagaman at dapat itong maging ‘accountable’ dahil siya ang presidente ng mangyari ang pagbili ng Dengvaxia.

“Hindi ako kumbinsido na criminally liable sya, but he should be accountable since he is the president, di ako sang-ayon sa criminal liable dahil nga si (Janet) Garin ang nagrekomenda siya ang gumawa ng paraan para magkaroon ng budget,” sabi ni Gatchalian.

Naniniwala si Gatchalian na si Garin ang puno’t dulo ng kontrobersiya dahil ito umano ang gumawa ng paraan para magkaroon ng budget ang proyekto.

“Dahil wala naman talagang budget ito, siya (Garin) rin gumawa ng paraan para mailagay ito sa Philippine Children Medical Center, so she is really the prime mover of this Dengvaxia fiasco,” pahayag ni Gatchalian.

Bukod kay Garin, kumbinsido si Gatchalian na dapat sampahan ng kaso si dating Health secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial dahil nadagdagan pa ng nasa 347,000 bata ang nabigyan ng bakuna sa panahon nito.

“Sabi nya  (Ubial) prinessure siya. Sa akin di tamang dahilan ito dahil bakit ka maggigi-give-in sa pressure ang kapalit nito buhay ng mga bata, para sa akin hindi tama, kung di nya tinuloy sana yong 347,000 na bata di mabibigyan ng Dengvaxia,” dagdag ni Gatchalian.

vuukle comment

ANTI-DENGUE VACCINE

BENIGNO AQUINO III

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with