^

Bansa

Mga deboto ng Nazareno, pinayuhan ni Tagle

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang milyun-milyong deboto na lalahok sa Grand Procession na gawing makatao, maka-Diyos,  maka-kalikasan, at makabayan ang pagdaraos ng Traslacion 2018.

Aniya, ipapanalangin niya rin na ang  pakikilahok ng mga deboto sa traslacion ay mauuwi sa mas malalim na pagkilala kay Hesus.

Naniniwala ang cardinal na isang malaking pag-asa para sa kaniya na ang partisipasyon ng mga deboto sa aktibidad  ay daan para lalo pang mapalapit sa kanila ang Panginoong Hesus.

Nanawagan rin siya sa mga deboto na pangatawanan ang pananampalataya sa Itim na Nazareno tungo sa mabubu­ting gawa sa kapwa at ipinaalala na si Hesus ang daan, katotohanan at buhay.

“Sa taong ito po, ang tema ng pagdiriwang ay ang Poong Hesus Nazareno, siya ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Paghandaan po natin ang kaniyang kapistahan. Araw-araw po tumingin tayo kay Hesus. Siya po ang daan patungo sa Ama. Siya po ang Katotohanan na hinahanap-hanap natin. Siya po ang magbibigay ng buhay at muling-pagkabuhay sa atin at sa ating lipunan,” paanyaya pa ni Tagle.

Hinimok din ng Cardinal ang lahat ng deboto at mga mananampalataya na ipinalangin ang katiwasayan at malayo sa panganib ang mga deboto na makikiisa sa prusisyon.

Related video:

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with