^

Bansa

Child warriors isinasabak na!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Child warriors isinasabak na!

Ang labi ni Cayamora Maute habang inililibing sa Norzagaray Muslim Cemetery sa Bulacan kamakalawa ng gabi. Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines - Tumutulong na ang mga menor de edad na child warriors ng teroristang grupo na Maute sa  pakikipaglaban sa tropa ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Col. Edgard Arevalo, hepe ng  Public Affairs Office ng Armed For­ces of the Philippines, ito ay base umano sa mga nakakausap ng mga sundalo na mga sibilyan at sa mga nakatakas na bihag ng teroristang grupo.

Giit ni Arevalo, ang mga child warriors ay nakumbinsi ng Maute group na maging kapanalig nila, inarmasan at kasalukuyan ng lumalaban sa mga sundalo.

Ginawa nito ang pahayag matapos na iulat ni Rowhanisa Abdul Jabar na ang kanyang anak na dinukot pitong taon na ang nakakaraan ay isa sa mga child warriors sa Marawi City.

Sinabi naman ni Arevalo na ang nasabing ulat ay beberipikahin muna ng intelligence community.

Samantala, namatay ang ama ng dalawa sa  mga lider ng mga Maute na si Cayamora Maute, 64, sa Taguig-Pateros District Hospital, ayon sa  Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Sr. Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP, tumaas ang blood pressure at nahirapang huminga si Cayamora habang ito ay nasa kanyang selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaya siya isinugod sa pagamutan.

Nabatid na bago pa mang maaresto at makulong sa BJMP si Cayamora ay maraming na karamdaman tulad ng diabetes, hypertension, hepatitis at iba pa.

Dinala ang bangkay ni Cayamora sa mosque sa Quiapo at agad ding inili­bing sa Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ang asawa naman Ca­yamora na si Ominta “Farhana” Romato Maute ay nananatiling nakakulong sa BJMP.

Dahil sa pagkamatay ni Cayamora, posibleng mas magiging mapangahas pa ang Maute brothers sa pakikipaglaban sa gobyerno sa loob ng  Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Restituto Padilla, inaasahan na nilang mas magiging mapangahas at matapang sa pakikipaglaban sa tropa ng militar ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

 Paliwanag pa ni Padilla, maaari rin itong gamitin ng Maute group bilang propaganda para isulong at suportahan ang kanilang ipinaglalaban sa Marawi City at magamit din para sa kanilang taga-suporta at mga pamilya na nasa loob ng battle area.

Samantala, sinabi ni     Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduar­do Año na isang malaking laban ang inihahanda ng AFP  para tuluyang mabawi ang Marawi City na halos isandaang araw nang inookupa ng mga tero­ristang Maute group.

Sinabi ni Año na maliit na bahagi na lamang ng ng lugar ang nasasakop ng mga terorista dahil sa patuloy na opensiba ng military.

 Bilang patunay umano dito ay ang pagsulong at pagbawi ng militar sa Grand mosque noong nakarang linggo na siyang pinakamalaking mosque at isang simbulo ng Islam sa nasabing siyudad.

 Ang nasabing mosque umano ang siyang ginagamit na pangunahing hideouts ng Maute at Abu Sayyaf group. (May ulat ni Mer Layson)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with