^

Bansa

P500-M smuggled at pekeng produkto nasabat ng BOC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa P500 mil­yon mga smuggled at pekeng mga produkto ang nakumpiska ng pinagsanib na pwer­sa ng pulisya at Custom Intelligence and Investigation Service ng Bureau of Custom (CIIS-BOC) nang salakayin nila ang apat na warehouse sa Pasay City kahapon ng hapon.

Ayon kay  Col. Neil Estrella, hepe ng CIIS, alas-2:30 ng hapon nang kanilang salakayin  ang building 154,159,115 at 156 sa  kahabaan ng Cuneta St. ng nasabing lungsod at naglalaman umano ito ng mga imported goods na pawang mga smuggled at peke.

Matapos nilang magsagawa ng inspection ay tumambad sa kanila ang naturang mga peke at smuggled na produkto, tulad ng mga branded na tsinelas, sapatos, mga damit, bag at sigarilyo,  na tinatayang nasa P500 milyon ang halaga.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano nakalusot ang naturang mga pekeng produkto.

vuukle comment

SMUGGLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with