^

Bansa

DFA post wala pang pormal na alok – Cayetano

Pilipino Star Ngayon
DFA post wala pang pormal na alok � Cayetano

MANILA, Philippines — Nakahanda para sa iba’t ibang trabaho si Sen. Alan Peter Cayetano habang wala pa ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilang sa gabinete.

Sinabi ni Cayetano na nakatakda silang magpulong ng Pangulo sa Abril o Mayo upang pag-usapan ang pag-upo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs.

"Tingnan natin kung pagdating ng May o June, 'yun pa rin ang... pinakamabuti o makakatulong ako doon,” wika ni Cayetano na naging running mate ni Duterte nitong eleksyon 2016.

“Kasi kumukuha ka ng posisyon para makadagdag ka, hindi para makabawas... Kung sa tingin ng Pangulo, meron akong maidadagdag sa departamento, malugod kong tatanggapin," dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Duterte na papalitan ni Cayetano si DFA Secretary Perfecto Yasay ngayong 2017.

Aniya pinakiusapan lamang niya si Yasay na kunin ang pwesto ngunit ngayon ay kinakailangang bumalik ng kalihim sa Amerika kung saan isa siyang visiting law professor.

Sinabi ni Cayetano na handa siyang tulungan ang administrasyon upang matamasa ang tunay na pagbabago.

"Ayokong pangunahan ang pangulo o sinumang secretary... I think they're all performing well... Pero kung anong sabihin ng pangulo sa mga susunod na buwan, I'd be happy to help," sabi ng senador.

Ilang beses na ring naging bahagi ng official delegation ng bansa si Cayetano kapag lumalabas ng Pilipinas si Duterte.

Nakatakdang magtapos sa 2019 ang termino ni Cayetano bilang senador.

vuukle comment

CABINET

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with