^

Bansa

Suspect sa drug case, todas sa escort

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang drug suspect nang mang-agaw ng baril sa kaniyang escort at maunahan siyang putukan, habang patungo sa Manila Prosecutors Office para sa inquest proceedings sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang ikinasawi ni Tomas Javier, 43, residente ng F. Antonio St., Old Sta. Mesa, Maynila.

Isinailalim na sa interogasyon ang mga operatibang sina PO1 Ordep Ocampo at PO2 Hanny Mark Salamanca, na kapwa nakatalaga sa Manila Police District-Station 8.

Sa ulat ni P/Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng MPD-Station 8, dakong alas -8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng naturang presinto na matatagpuan sa Ramon Magsaysay Boulevard, kanto ng Old Sta. Mesa.

Paalis pa lamang umano sina PO2 Salamanca at PO1 Ocampo para isalang sa inquest proceedings si Javier  sa reklamong paglabag sa possession of illegal drugs o Republic Act 9165 section 11  at illegal possession of firearms  RA 10951 o illegal possession of firearms   and ammunitions  at isa pang detainee. Poposasan na umano si Javier nang biglang sunggaban nito ang baril ng pulis na si Salamanca  at nang ipuputok na ay inunahan siyang putukan ng isa pang escort na si PO1 Ocampo.

Naisugod pa siya sa Ospital ng Sampaloc subalit hindi na ­umabot ng buhay.

vuukle comment

MANILA PROSECUTORS OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with