^

Bansa

Isa patay, apat arestado sa droga

IDAING MO KAY VANEZZA - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang tulak ng droga ang napatay habang apat pa ang nadakip ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa isinagawang pagsalakay sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa naturang lungsod, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang napaslang na suspek na si Angelito Chico, alyas “Onok”, 33, residente ng No. 440 Sampaguita St., Brgy. 156 Bagong Barrio, ng naturang lungsod. 

Nakilala naman ang apat na naaresto na sina Marjohn Blas, 22; Alejandro Hipolito, 53; Ruth Cruz, at Ricardo Hipolito, 63, kapwa ng Mabanag Compound, Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Station Anti-Illegal Drugs unit ukol sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa Brgy. 156 Bagong Barrio. 

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng SAID at naabutan ang mga suspek na sina Chico at Blas na nagbebenta ng iligal na droga kina Hipolito.

Agad na nagtakbuhan umano ang mga inabutang lalaki ngunit pumasok ng kanyang bahay si Chico at dalawang beses na pinaputukan gamit ang isang kalibre .38 ang mga pulis ngunit sumablay. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa nanlabang si Chico.

Naaresto naman sina Blas at dalawang Hipolito na kusang-loob na sumuko sa mga otoridad. 

Narekober sa lugar ng krimen ang kalibre .38 baril ng suspek na si Chico at mga bala at tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with