^

Bansa

Paglibre sa VAT ng mga PWDs, ipapatupad na!

Butch M. Quejada, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapakinabangan na ng mga Persons With Disabilies (PWD) o ng may mga kapansanan ang exemption sa pagbabayad ng 12% Value Added Tax (Vat) sa mga bilihin at mga serbisyo.

Ito’y matapos lagdaan nina dating Leyte Rep. Martin Romualdez na siyang may akda ng RA 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges  of Persons With Disabilities ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng batas kasama sina DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Congw. Yedda Romualdez at Sen. Sony Angara na may akda naman sa Senado.

Ang nasabing batas ay pinirmahan ni dating pangulong Noynoy Aquino

Sinabi ni Romualdez na magandang pamasko ang nasabing batas sa mga PWD dahil maaari ng maipatupad ang batas bago ang kapaskuhan.

Nakasaad sa IRR na sa 20% dis­kwento para sa mga pamilihan at pagkain, diskwento sa mga gamot at healthcare services na katulad ng benepisyo ng Senior Citizen ay magkakaroon na rin ng12% VAT exemption para sa mga PWD.

Sa ilalim din ng PWD laws, ang mga pamilyang nangangalaga sa mga may kapansanan ay makakaltasan din ng P25,000 sa kanilang taunang buwis.

Tinataya na kalahating milyon Pilipino na may kapansanan ang makikinabang sa nasabing batas na sa kabuuan ay makakakuha na sila ng 32 porsiyentong diskwento mula sa mga serbisyo, gamot, hospitalization at iba.

vuukle comment

PERSONS WITH DISABILIES

VALUE ADDED TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with