^

Bansa

Biktima ng paputok, 131 na, bata patay sa ligaw na bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sila ng isang batang nasawi dahil sa ligaw na bala na naganap mismong bisperas ng Pasko subalit hindi agad naiulat.

Sinabi ni Health Secretary Janette Garin, kamakalawa lamang ng gabi nang makumpirma nila ang report mula sa lalawigan ng Bulacan ang biktimang di pa binanggit ang pagkilanlan ay binawian ng buhay sa East Avenue Medical Center, sa Quezon City, isang araw matapos matamaan ng ligaw na bala o mismong araw ng Pasko (Dis­yembre 25) makaraang sumailalim sa surgery.

Habang naglalaro malapit sa Ipo Dam, sa Norzagaray, Bulacan ang bata noong bisperas ng Pasko ay umuwi ito ng bahay na naobserbahang nanlalata. Inakala umanong nabato lamang ito kaya may dugo sa likod at dinala sa pagamutan nang ito ay mahimatay.

Mariing kinondena ni Garin ang mga iresponsableng gun owners dahil sa isa na namang inosente ang nabiktima ng ligaw na bala.

Hindi umano agad naitala ang kasong ito dahil kinabukasan na dinala sa pagamutan ang biktima at sumalang pa sa operasyon.

Samantala, sa mga kaso naman ng firecracker-related injuries sa bansa, naitala nito ang kabuuang 131 biktima simula Disyembre 21 hanggang kahapon. Tatlo ang dahil sa ligaw na bala, wala pa namang kaso ng ingestion o nakalulon ng watusi at iba pang uring paputok.

May pinakamataas pa rin ng insidente sa National Capital Region na kinabibilangan ng 18 sa Maynila, 15 sa lungsod Quezon at 8 sa Mandaluyong.

Pangunahing sanhi ng mga kaso ang piccolo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BULACAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DISYEMBRE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN

IPO DAM

NATIONAL CAPITAL REGION

PASKO

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with