^

Bansa

Empleyado inutas sa loob ng punenarya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang 36- anyos na caretaker/helper nang pagbabarilin ng  dalawang lalaki habang natutulog sa loob ng compound ng Funeraria Cruz sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw

Tadtad ng tama sa katawan ang biktimang si Divino Jimenez, residente ng Lico St., Tondo, Maynila, empleyado ng R. De Castro Funeral Homes.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng kahapon nang maganap ang insidente sa receiving area sa compound ng nasabing punerarya.

Nabatid na apat na kasamahan sa trabaho ang kasamang natutulog ng biktima kabilang ang kaniyang kalive-in na si Vanessa nang maganap ang pamamaril.

Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na nang mapawi ay nakita nang duguan ang biktima. Dalawang lalaki ang nakitang tumakas sakay ng motorsiklo.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ANG

BLANGKO

DALAWANG

DE CASTRO FUNERAL HOMES

DENNIS TURLA

DIVINO JIMENEZ

FUNERARIA CRUZ

LICO ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with