^

Bansa

PNoy ‘di pinadalo ni Chiz sa kasal nila ni Heart

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginagalang ng Palas­yo ang naging desisyon ni Sen. Chiz Escudero na hindi na padaluhin si Pangulong Aquino sa kasal nila ni Heart Evangelista sa Feb. 15 (Linggo) na gaganapin sa Balesin island club sa Quezon.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nirerespeto nila ang naging payo ni Sen. Chiz bilang kaibigan kay Pangulong Aquino.

Si PNoy ang tatayong best man ni Escudero sa kanilang kasal ni Heart.

Mismong si Escudero ang nagpayo sa kanyang best man na huwag na lamang dumalo sa kanyang kasal dahil ito ay out of town upang hindi na ito maabala sa kanyang mga dapat gawin bilang ama ng bansa.

Puwede namang sa Manila reception na lamang magtungo ang Pa­ngulo kung siya ay hindi naman abala.

“Hindi naman sa ma­daming problema. Last year pa nasabi ko na sa kanya. It’s an out-of-town wedding. Hassle para sa kanya. He might have things to do. Actually, para sa amin, hassle din ‘yun,” wika ni Chiz.

vuukle comment

AYON

BALESIN

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

COMMUNICATIONS SEC

FEB

HEART EVANGELISTA

IGINAGALANG

PANGULONG AQUINO

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with