^

Bansa

Sa ‘Oplan Maligno’ ni Erice: Iwasang manalamin - UNA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco si Liberal Party Rep. Egay Erice na huminto sa pagharap sa salamin para hindi ito makakita ng maligno.

Reaksiyon ito ni Tiangco sa pahayag ni Erice na natuklasan nito ang isang plano ng oposisyon na tinatawag na “Oplan Maligno.”

“Mr. Erice, huwag ka nang manalamin,” sabi ni Tiangco. “Nakakatiyak ako naisip niya ‘yun nung pagtingin niya sa salamin at nakita nya sarili niya. Dapat niyang sagutin kung bakit siya ngawa nang ngawa pero, hanggang ngayon, hindi pa siya itinatalaga ng LP bilang tagapagsalita nito,” sabi pa ni Tiangco.

“Ang payo ko sa kanya, iwasan ang pagtingin sa salamin para hindi siya nakakita ng maligno,” dagdag niya.

Ayon pa kay Tiangco, hindi na kailangang ungkatin ang isyu ng pagkainutil at kawalang-kakayahan ng mga ahensiya ng pamahalaan na kontrolado ng LP dahil araw-araw na itong pinagdurusahan ng publiko.

“Nagdurusa ang taumbayan sa kapalpakan ng mga government agencies na hawak ng LP at mga kaalyado nila. Palpak ang MRT na hindi inayos ni Mar Roxas noong panahon nya at hindi inaasikaso hanggang ngayon. Kabi-kabila ang krimen na pinapabayaan ng DILG secretary. Mas inaasikaso pa ang pagbisita sa dating vice mayor ng Makati na nagpaparatang kay Vice President Binay,” dagdag niya patungkol sa napaulat na pagdalaw ni Roxas kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na naospital kamakailan. (Butch Quejada)

 

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

EGAY ERICE

LIBERAL PARTY REP

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MAR ROXAS

MR. ERICE

OPLAN MALIGNO

TIANGCO

TOBY TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with