^

Bansa

‘Ompong’ tatagal pa sa Pinas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatagal pa ang super typhoon Ompong sa a­ting bansa dahil sa napakabagal nitong pagkilos.

Kahapon, si Ompong ay namataan sa layong 890 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 250 kilometro bawat oras.

Si Ompong ay kumikilos pahilaga sa bilis lamang na 9 na kilometro bawat oras.

Walang direktahang epekto si Ompong sa ating bansa dahil gumilid lamang ito hanggang sa labas ng PAR sa Linggo ng hapon.

Nakakaapekto naman sa katimugang bahagi ng ating bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ) o ang pagsasalubong ng hangin mula sa silangan at kanluran kayat may ilang lugar ang dumaranas ng pag-uulan sa hapon o sa gabi kagaya sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Maaliwalas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao na may paminsan-minsang pag-ulan dulot ng thunderstorms.

 

vuukle comment

CALAYAN

KAHAPON

LINGGO

MAALIWALAS

METRO MANILA

MINDANAO

NAKAKAAPEKTO

OMPONG

SI OMPONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with