^

Bansa

Makati 'parking' bldng maganda, pero 'di world-class

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tikom ang bibig ng contractor ng kontrobersyal na Makati City Hall II parking building sa isyu ng overpriced ang gusali.

Sinabi ng Hilmarc's Construction Corp. (HCC) ngayong Huwebes na hindi nila masabi kung world-class nga ba o hindi ang kanilang ginawang 11-palapag na gusali.

"We cannot make that claim that it is world-class," wika ng abogadong si Rogelio Peig, assistant vice president for legal affaits ng HCC sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kaugnay na balita: Mag-amang Binay 'di ulit sumipot sa Makati 'parking' hearing

"We are not also saying it is not world-class," dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Makati Mayor Junjun Binay na inabot ng mahigit P2 bilyon ang gusali dahil nais nilang maging world-class at “green building” ito.

Nilinaw naman ni Peig na hindi sertipikadong green building ang gusali kahit na may mga katangian ito na maganda para sa kalikasan.

Kaugnay na balita: VP Binay nakinabang sa Makati parking building

Samantala, diskumpyado rin ang isa sa mga sumuri ng gusali nitong Lunes kung world-class nga ba ang Makati City Hall II.

"Ito po ay isang magandang building, pero hindi ko po siguro masasabi na ito ay isang world-class building," pahayag ni Dr. Ricardo Sigwa, pinuno ng University of the Philippines Institute of Civil Engineering.

Nahaharap ang alkalde at ang kanyang ama na si Bise-Presidente na si Jejomar Binay sa kasong plunder dahil sa umano'y overpriced na gusali na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon.
 

vuukle comment

BINAY

BUILDING

CONSTRUCTION CORP

DR. RICARDO SIGWA

JEJOMAR BINAY

KAUGNAY

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with