^

Bansa

Gigi ikukulong sa Camp Bagong Diwa; Enrile mananatili sa PNP General Hospital

Butch Quejada at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapalipat na ng Sandiganbayan ang da­ting chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes mula sa anti-graft court’s basement papunta sa Bicutan jail’s female dorm sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa ipinalabas na commitment order ng Sandiganbayan 3rd Division, binalewala ng graft court ang kahilingan ng kampo ni Reyes na sa PNP Custodial Center siya ikulong.

Wala anyang valid reason na nakita ang graft court para pagbig­yan ang request ni Reyes.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Sandiganbayan, sa Bicutan jail ikukulong si Reyes dahil mas maraming bilanggo ang maaaring ma-accommodate dito laluna kung mga babaeng preso.

Bunga nito, ang BJMP na lamang anya ang bahala kung saan maaaring maibilanggo si Reyes.

Niliwanag nito na sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame nailagay sina Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla dahil may legal basis para doon idetine ang dalawang mambabatas na kapwa akusado sa plunder case.

Samantala, mananatili naman sa PNP General Hospital si Enrile.

Inutos ng Sandigan­bayan na isailalim sa physical examination si Enrile upang ma­tiyak kung kailangang mai-hospital arrest ang mambabatas.

Maaari rin umanong makapagpatingin si Enrile sa labas ng PNP hospital kung emergency cases lamang.

Nais ng Sandiganbayan na maireport sa kanila sa Lunes ng PNP General Hospital ang resulta ng physical exam na gagawin kay Enrile para malaman kung dapat nga itong ma-hospital arrest.

Samantala, takdang iprisinta ng prosekusyon sa pagdinig ng Sandiganbayan 5th division ang tungkol sa hiling na makapagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada ang 24 mga saksi sa kaso kabilang sina Benhur Luy at dati nitong tauhan na si Ruby Tuason.

Ayon sa graft court, sa mga ihahayag ng naturang mga saksi malalaman kung karapat-dapat aprubahan ang motion to bail ni Estrada sa kasong plunder at graft na may kinalaman pa rin sa multi-billion pork barrel scam.

vuukle comment

AYON

BENHUR LUY

BICUTAN

CUSTODIAL CENTER

ENRILE

GENERAL HOSPITAL

JINGGOY ESTRADA

REYES

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with