^

Bansa

China muling nanawagan sa Pinas na pakawalan ang 9 na mangingisda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ng paliwanag ang gobyerno ng Tsina sa Pilipinas sa pag-aresto sa siyam na Tsinong mangingisda na dinakip sa pinag-aagawang Hasa-Hasa Shoal malapit sa Palawan.

Sinabi ni China Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying kahapon na walang ginagawang mali ang mga mangingisda dahil nasa loob sila ng kanilang teritoryo.

Dagdag niya na dapat ay pakawalan na ng Pilipinas ang mga mangingisda na dinakip dahil sa panghuhuli ng mga sea turtles.

Kaugnay na balita: 'Pinas inisnab ang utos ng Tsina na palayain ang mga mangingisda

"The Chinese Foreign Ministry and the Chinese Embassy in the Philippines have lodged representations with the Philippine side, asking for rational explanation and an immediate release of the Chinese boat and its crew," wika ni Hua.

"We hope that this incident can be properly settled as soon as possible," dagdag niya.

Siyam sa 11 na nadakip na mangingisda ang nakasuhan na kahapon sa Puerto Princesa City Regional Trial Court, habang ang dalawa ay dinala sa Department of Social Welfare and Development matapos malamang mga menor-de-edad.

Kaugnay na balita: DFA: 2 menor na Chinese fishermen pakakawalan

Higit 500 endangered marine reptiles ang nakumpiska sa barko ng mga Tsinong mangingisda, kung saan karamihan dito ay patay na.

Iginiit ng Department of Foreign Affairs na nadakip ang mga mangingisda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipnas.

Maaaring makulong ng 20 taon ang mga mangingisda at magbayad ng $2,300 kada isa.

vuukle comment

CHINA FOREIGN MINISTRY

CHINESE FOREIGN MINISTRY AND THE CHINESE EMBASSY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HASA-HASA SHOAL

HUA CHUNYING

KAUGNAY

MANGINGISDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with