^

Bansa

Speech writers ’di na type ni PNoy?

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gusto na bang buwagin ni Pangulong Aquino ang Presidential Communications Strategic Development Planning Office (PCSDPO) na binubuo ng speech writers group sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Manolo Quezon?

Kahapon ay inanunsiyo pa ni Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng 28th anniversary ng EDSA People Power 1 na ginanap sa Cebu City na hindi na niya babasahin ang inihandang speech ng kanyang writers dahil sa hindi niya nagustuhan ang nilalaman nito.

“Kung papansinin po n’yo, wala po akong teleprompter itong araw na ito. Hindi ko nagustuhan ang talumpating ginawa. Kaya pagpapasensyahan n’yo kung medyo paikot-ikot ang ating talumpati itong araw na ito dahil gusto kong malaman n’yong galing po sa puso ito,” wika ni PNoy sa kanyang mensahe sa mga Cebuanos.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi binasa ng Pangulo ang inihandang speech nito ng kanyang mga writers mula sa PCSDPO.

Ang nasabing tanggapan ay dating pinamumunuan ni Sec. Ricky Carandang na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Disyembre.

vuukle comment

CEBU CITY

CEBUANOS

DISYEMBRE

KAHAPON

KAYA

MANOLO QUEZON

PANGULONG AQUINO

PEOPLE POWER

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS STRATEGIC DEVELOPMENT PLANNING OFFICE

RICKY CARANDANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with