^

Bansa

December bill balewalain - Meralco

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Manila Electric Co. (Meralco) sa kanilang milyon-milyong kliyente na balewalain ang natanggap na electric bill ngayong Disyembre na nagkaroon na ng pagtataas sa generation charge.

Sa liham na ipinakakalat ng Meralco sa mga konsyumer, maaaring bayaran na lamang ng mga ito ang katumbas na halaga ng kanilang bill nitong Nobyembre.

Ito ay bilang pagtugon sa inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na nag-uutos na suspendihin ang P4.15 generation charge increase na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni Al Panlilio, Meralco senior vice president and head of Customer Retail Services and Corporate Communications, may opsyon rin ang kanilang kliyente na bayaran ang December bill nila kung mas mababa ito sa kanilang bill noong Nobyembre. 

Nilinaw nito na kung ang nais bayaran ng kli­yente ay ang November bill, mababayaran lamang ito sa kanilang Meralco Business Center habang kung ang December bill ang babayaran ay maaari na itong bayaran sa lahat ng Bayad Center outlets.

Sa mga nakapagbayad naman sa kanilang December bills, balewalain lamang ang liham at ang Meralco na umano ang gagawa ng paraan para magsagawa ng adjustment sa susunod na bill.

Sa mga nais na linawin ang mga inilabas na panuntunan, maaaring tumawag sa Meralco 24 hotline 16211 para sa kanilang mga tanong.

May hanggang Enero 8 ang Meralco para magpadala ng sagot nila sa Korte Suprema.

vuukle comment

AL PANLILIO

BAYAD CENTER

BILL

CUSTOMER RETAIL SERVICES AND CORPORATE COMMUNICATIONS

ENERGY REGULATORY COMMISSION

KANILANG

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC CO

MERALCO

MERALCO BUSINESS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with