^

Bansa

438 katao tiklo sa Comelec gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang linggo, bago ganapin ang brgy. election sa darating na Oktubre 28, umaabot na sa 438 katao ang nasakote ng mga awtoridad kaugnay ng ipinatutupad na Comelec gun ban sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor­, panghuli sa mga nasakote ay isang retiradong pulis na si Julian Sistoza sa Brgy. Centro, Ilagan, Isabela .

Bandang alas-8:15 ng gabi kamakalawa ng masakote si Sistoza na nasamsaman ng isang M16 rifle na may marking ng US rifle 7.62 MM na may isang magazine at 20 bala.

Sinabi ni Mayor  na pinakamarami sa mga nasakote ay mga sibilyan na umaabot sa 410 ang bilang. Kabilang pa sa mga nasakote ay limang pulis, 16 security guards, tatlong opisyal ng gobyerno at apat na sundalo.

Nakasamsam din ng 352 mga baril, 140 patalim, 86 eksplosibo, 64 granada, 15 gun replica at 2,685 mga bala.

Nabatid na ang gun ban na nagsimulang ipatupad noong Setyembre 28 ay tatagal ng hanggang Nob­yembre 12, o 30 araw bago at matapos ang gagana­ping halalang pamba­rangay sa buong kapuluan.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BRGY

COMELEC

ILAGAN

ISABELA

JULIAN SISTOZA

SPOKESMAN SR. SUPT

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with