‘Odette’ umalis na
MANILA, Philippines - Lumabas na kagabi sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Odette.
Ito ayon sa Pagasa ay makaraang mag-land fall kahapon si Odette sa timog bahagi ng Itbayat, Batanes
Alas-11 ng umaga kaÂhapon, si Odette ay naÂmataan sa layong 60 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 220 kilometro bawat oras.
Gayunman, kahapon ay nakataas pa sa signal number 3 ang bagyo sa Batanes Group of Islands, signal number 2 sa Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Apayao, Ilocos Norte at signal number 1 sa Abra, Kalinga, Isabela, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Mt. Province at Ifugao.
Patuloy namang pinaÂpayuhan ng Pagasa ang mga residente ng nabanggit na lugar na mag-ingat dahil sa banta ng flashfloods at landslide doon.
- Latest