^

Bansa

Banal iniwan si Defensor

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa depensa na si dating congressman Matias Defensor ng United Nationalist Alliance sa bahaging ito ng kampanya dahil sa malaking lamang sa kanya ng katunggali niya sa eleksyon para sa pagka-kongresista ng ikatlong distrito ng Quezon City na si  incumbent Rep. Jorge Banal ng Liberal Party-Team Pinoy. 

Ito ang ipinahiwatig ni Kaya Natin spokesperson Jess Lorenzo kaugnay ng lumabas sa bagong survey na nalalamangan ng Team PNoy ang UNA sa mara­ming aspeto ng kampanya at dito natuklasan ang ma­laking kalamangan ni Banal kay Defensor.

Ito rin ang dahilan kaya hindi naglulubay si Defensor na maagaw kahit paano ang milya-milyang lamang sa kanya ni Banal sa lahat ng 37 barangay tulad ng mga akusasyon sa vote buying at pagsasampa ng reklamo sa Commission on Elections.

Una rito, nilinaw ni Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng UNA, na hindi namimili si Banal ng boto, gaya nang unang ipinahayag ng oposisyon.

Ito ay mga gift vouchers para sa libreng school supplies sa ilalim ng estudyante program ni Banal na kinilala ni Tiangco na lehitimong programa, at naipamigay bago pa ang election ban.

 

vuukle comment

JESS LORENZO

JORGE BANAL

KAYA NATIN

LIBERAL PARTY-TEAM PINOY

MATIAS DEFENSOR

QUEZON CITY

TOBY TIANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with