^

Bansa

Balota hindi mapepeke -- Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections (Co­ melec) na hindi mada­ling mapeke ang balota na gagamitin sa nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Ayon kay Co­melec Chairman Sixto Brillantes, Jr., marami silang safeguards na inilagay sa balota, na gawa mula sa imported na papel, upang matiyak na hindi ito mapepeke.

Kabilang sa mga naturang safeguards ang UV light at bar code na inilagay sa bawat isang balota bukod pa sa dalawang security feature na idinagdag ang Comelec sa balota ngunit hindi na ito isiniwalat pa sa media.

Siniguro rin ng poll body na kasado na ang lahat para sa pag-iimprenta ng official ballots.

Target ng National Printing Office (NPO) na makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw.

Ang kabuuang ili­limbag na balota ay 52,017,360 na ayon sa NPO ay posibleng tu­magal ng 65 araw.

Ang bawat balota ay papasok ng tatlong ulit sa may 156 PCOS machines upang maiwasan ang pangamba na hindi basahin ng mga makina ang balotang iimprenta.

Umaasa ang Co­melec na magiging ma­ayos ang kanilang sistema upang maiwasan ang anu­mang mga aber­ya at isyu.

vuukle comment

AYON

BALOTA

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

KABILANG

NATIONAL PRINTING OFFICE

SHY

SINIGURO

TINIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with