^

Bansa

Gigi nag-sorry kay Cayetano

Malou Escudero -

MANILA, Philippines -  Humingi kahapon ng tawad ang Chief of Staff ni Senate President Juan Ponce Enrile na si Atty. Jessica “Gigi” Gonzales Reyes kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano dahil sa mga masasakit na pahayag nito sa isang panayam sa radyo noong nakaraang Lunes.

“I profusely apologize to the Hon. Senator and Minority Floor Leader, Alan Peter Cayetano for my disrespectful and offensive statements and overbearing tenor as I was interviewed on DZMM Teleradyo last Monday, January 21, 2013,” sabi ni Atty. Reyes sa kanyang sulat.

Ayon kay Reyes, nagkamali siya ng tawagin lamang niyang “Alan” ang senador lalo pa’t isa itong halal na senador.

Aminado si Reyes na dahil sa haba na ng pagta-trabaho niya sa Senado na umaabot na sa 25 taon natatawag niya sa “first-name basis” ang ilang senador pero nangyayari lamang ito sa mga pribadong pag-uusap.

Inamin din ni Reyes na nagkamali siya at nakagawa ng isang “serious ethical breach” ng tawagin niyang ipokrito ang ilang senador.

Ipinaliwanag ni Reyes na naging emosyonal lamang siya matapos marinig ang panayam sa radyo kay Cayetano na parang ang tanging sinasabi lamang nito ang katotohanan.

Matatandaan na nadamay ang pangalan ni Reyes sa privilege speech ni Cayetano noong nakaraang Miyerkules kung saan kinuwestiyon din nito ang kapangyarihan ni Reyes sa Senado.

Sabi ni Reyes. may permiso ni Enrile ang pag-contact niya kay Ka­ren Davila upang pabulaanan ang mga sinasabi ni Cayetano sa live at on air interview pero sarili at “spontaneous reaction” niya ang mga katagang “they are hypocrites” ng hingan siya ng huling salita.

Muling kinumpirma ni Reyes na naghain na siya ng “irrevocable resignation” kay Enrile at hindi na umano kinakailangan na aprubahan ito ng Senate President para maging epektibo.

Samantala sa isang press conferenfe kahapon, sinabi ni Cayetano na hindi pa niya nababasa ang sulat ni Reyes na una ng ini-email sa media pero walang dahilan para hindi niya tanggapin ang apology nito.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

CHIEF OF STAFF

ENRILE

GONZALES REYES

REYES

SENADO

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with