^

Bansa

House probe sa ‘shootout’ gugulong na

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan na sa susunod na linggo ng Kamara ang imbestigasyon sa na­ganap na barilan sa Atimonan, Quezon.

Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, hihi­lingin na niya sa liderato na basahin sa plenaryo sa Lunes ang kanyang inihaing House resolution 2987 na humihiling na imbestigahan ang nasabing insidente kung saan 13 katao ang napatay.

Matapos nito ay maari ng magsimula ng imbestigasyon sa Miyerkules ang House Committee on Local Gvernment at Public Order and Security kung ano ang tunay na nasa likod ng nasabing insidente.

Kabilang sa ipa­pa­ta­wag ng komite ang NBI at iba pang opis­yal ng PNP.

Paliwanag ni Suarez, kailangan malaman ang tunay na dahilan ng insi­dente dahil lumalabas umano sa mga pahayagan na ang ugat nito ay dahil sa jueteng kayat lubha silang nasasaktan sa mga naglalabasang balita.

Ang pahayag ni Sua­rez ay sa kabila ng nauna ng pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na dapat mu­nang hintaying matapos ang imbestigasyon ng NBI bago magsagawa ng pagsisiyasat ang Kamara.

vuukle comment

DANILO SUAREZ

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MINORITY LEADER

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

KAMARA

LOCAL GVERNMENT

PUBLIC ORDER AND SECURITY

QUEZON REP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with