^

Bansa

Reyes brothers, pinalalantad ng Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon  ni Palawan Bishop Pedro Arigo ang magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes  at harapin ang kasong murder na kinakaharap nila matapos na isangkot sa pamamaslang sa radio broadcaster at environmenta­list na si Dr. Gerry Ortega.

Ayon kay Arigo, kung talagang walang kasalanan ang magkapatid na Reyes ay hindi na dapat na magtago ang mga ito.

Aniya, dapat na harapin ng mga ito ang mga kasong isinampa laban sa kanila ng pamilya Ortega.

Anang Obispo, ang pagkakaroon ng trial ang tamang paraan upang patunayan ng magkapatid na Reyes na malinis ang kanilang kunsensiya at wala silang kinalaman sa krimen.

Sa bandang huli naman aniya ay ang mga ebidensya pa rin sa kaso ang mangingibabaw kung kaya’t hindi dapat matakot ang mga akusado kung totoong wala silang kinalaman sa krimen.

 

vuukle comment

ANANG OBISPO

ANIYA

ARIGO

AYON

CORON MAYOR MARIO REYES

DR. GERRY ORTEGA

HINAMON

PALAWAN BISHOP PEDRO ARIGO

PALAWAN GOVERNOR JOEL REYES

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with