^

Bansa

Paglikha ng Bangsamoro, sinuportahan

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umani ng suporta mula sa mga kongresista sa Mindanao ang kasunduan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa paglikha ng Bangsa­moro Region sa Mindanao.

Ayon kay Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Basilan Rep. Jim Hataman-Salliman, ang bagong kasunduan ng pamahalaan at MILF ay magiging susi upang malutas ang problema sa seguridad at kapayapaan sa kanilang rehiyon.

Siniguro ni Datumanong na bagama’t taga-minor­ya siya ay personal nitong itutulak ang pagpapatibay ng lehislasyon sa Bangsamoro Region sa oras na maipadala ito sa kongreso.

Tiwala din si Salliman na ang bagong kasunduan ang siyang magiging susi upang malutas ang problema at mawala na ang bansag na ‘Lupang Pangako’ sa Mindanao.

vuukle comment

AYON

BANGSA

BANGSAMORO REGION

BASILAN REP

JIM HATAMAN-SALLIMAN

LUPANG PANGAKO

MAGUINDANAO REP

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with