Pinas sinasanay na ng US sa pagbabantay sa WPS

MANILA, Philippines -  Sa kasagsagan ng usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, nagsagawa na ng seminar ang Estados Unidos sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang sanayin ang mga ito sa pagbabantay at pag-depensa sa soberenya ng bansa.

Ayon sa report ng US Embassy sa Manila, pinangunahan ng Defense Threat Reduction Agency ng US Department of Defense ang senior executive seminar on maritime domain and weapons of mass des­truction (WMD) awareness kasama ang member agencies ng National Coast Watch System (NCWS) ng Pilipinas na ginanap sa Manila nitong Setyembre 24-28, 2012.

Ang seminar ay nagpapakita ng patuloy na partnership sa pagitan ng Pilipinas at US upang palawigin o patatagin ang maritime safety at security.

Itinatag ang NCWS noong Setyembre 2011 ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Executive Order 57, na naglalayong mapalawig ang interagency coordination at magkaroon ng “unified approach” sa maritime issues at maritime domain awareness. 

Show comments