4 na dam nagpakawala ng tubig

MANILA, Philippines - Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang apat na dam sa Luzon bunsod na rin ng mga pag-uulan na dala ng bagyong Lawin doon.

Ayon sa Pagasa, nakabukas ng tig-tatlong metro ang dalawang gate ng Magat Dam na may water level na 191.48 meters samantalang nakabukas naman ng .6 meters ang isang gate ng Binga Dam na may water level na 574.66 meters.

Nakabukas pa rin ang tig-isang gate ng Angat at Ipo Dam bilang pagha­handa sa pananalasa ng bagyong Lawin.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng Pagasa ang mga residente malapit sa naturang mga dam para makaiwas sa inaasahang pagbaha doon.

Show comments