^

Bansa

Walang job opening ng nurses sa UK

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang job opening ng mga nurse sa United Kingdom (UK), ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo Cacdac makaraang makatanggap ng impormasyon na may ilang recruitment agency sa bansa na nangangalap ng mga Filipino Nurse patungo ng UK.

Layunin ni Cacdac na hindi mabiktima ng mga mapansamantalang recruitment agency ang mga bagong graduate ng kursong Nursing na nagnanais magtrabaho sa UK.

Base sa nakalap na impormasyon ng POEA mula sa Professional Regulation Commission (PRC) na may kabuuang 27,823 nursing graduates ang nakapasa sa June 2012 Nurse Licensure Examination.

Payo ng POEA sa mga wala pang trabahong nurse sa bansa na mas magandang makipag-ugnayan muna sa kanila kung may mga recruitment agency na nag-aalok sa kanila ng trabaho sa UK upang hindi sila mabiktima ng mga kawatan.

vuukle comment

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

CACDAC

FILIPINO NURSE

LAYUNIN

NURSE LICENSURE EXAMINATION

PAYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

UNITED KINGDOM

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with