P1.8M isinoli ng janitor sa NAIA

MANILA, Philippines - Hindi nag-atubili ang isang janitor sa domestic terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 matapos niyang isauli ang napulot niyang P1.8 milyon halaga ng iba’t ibang klase ng mga alahas at P600,000 cash ng maiwan ito ng papaalis na pasahero papuntang Cebu, kahapon.

Nakilala ang janitor na si Ronald C. Gadayan, nakatalaga sa NAIA terminal 2 pre-departure area south wing domestic terminal.

Kuwento ni Gadayan, habang naglilinis siya sa pre-departure lounge ay nakita niya ang isang kulay itim na Burberry bag sa ilalim ng upuan.

Dinala nito ang napulot na bag sa mga awtoridad sa airport at ng buksan ito para makilala o makita kung may identification card ang may-ari ng nakaiwan ay tumambad sa kanila ang iba’t ibang uri ng mga alahas at P600,000 cash.

Nakilala ng mga awtoridad sa NAIA ang may-ari ng bag na si Francis Lloyd Chua Ty, pasahero ng PAL flight PR 849 papuntang Cebu.

Show comments