^

Bansa

'Godfather' ng carnapping group timbog sa PAOCC

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng  Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at PNP-Highway Patrol Group ang pinaniniwalaang  “godfather” ng carnapping syndicates sa bansa sa isinagawang operasyon sa Cebu City.

Kinilala ni PAOCC chairman Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., ang umano’y “godfather” carnapping group na si Jovel Tan Entote, 43. Dinakip ito dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto 7, 2012 sa parking lot ng Casino Español de Cebu sa V. Ranodo St., Bgy., Cogon, Ramos, Cebu City.

Nabatid kay PAOCC Executive director, Chief Supt. Reginald Villasanta na si Entote ay may tatlong taon ng nagtatago bunsod naman ng pagpatay umano kay Rodolfo Petalino, na isang carjack victim noong 2009 kung saan tinangay ang Toyota Hi-Ace Grandia nito sa Katipunan Road sa Quezon City.

Armado ng warrant of arrest ang mga tauhan ng HPG, PAOCC at PNP Region 7 na inisyu ni Judge Eleuterio Bathan, ng QC RTC Branch 92 sa kasong qualified carnapping case.

Ayon sa PAOCC, si Entote ang kanilang pinakamalaking huli matapos na ilunsad ang kanilang kampanya laban sa carjacking noong Pebrero katuwang ang PNP-HPG.

Si Entote ang umano’y nagpi-finance ng notorious carjacking syndicates kabilang ang Dominguez, Salvatierra, Bonifacio, Onad Santiago at Baktin groups, na nadakip na ng PAOCC at HPG.

Ito rin ang responsable sa may 67 nakaw na sasakyan na nabawi naman ng PAOCC at HPG sa Bohol, Bacolod, Cagayan de Oro at General Santos.

vuukle comment

CASINO ESPA

CEBU CITY

CHIEF SUPT

ENTOTE

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

GENERAL SANTOS

HIGHWAY PATROL GROUP

JOVEL TAN ENTOTE

JUDGE ELEUTERIO BATHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with