^

Bansa

Paninira sa BDP, kinondena

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Prosecutor Flosemer Chris Gonzales, tagapagsalita ng JRTF-ELCAC, ang umano’y paninira ng ilang grupo sa Barangay Development Program (BDP) sa Iloilo. Aniya, mahalaga ang programa sa paghahatid ng serbisyo, kaunlaran at kapayapaan sa mga komunidad na dating naapektuhan ng insurhensiya.

Iginiit ni Gonzales na walang basehan ang mga alegasyon ng BAYAN hinggil sa umano’y mga iregularidad at ghost project, at tinawag niyang “ipokrito” ang mga grupong nagsasabing para sa mamamayan ngunit kinokontra naman ang mga programang para sa kanilang kapakanan.

Samantala, nilinaw ni Dr. Raul Banias ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo na ang mga obserbasyon ng COA ay may kaugnayan lamang sa mga hindi pa natatapos na proyekto at pagsasauli ng hindi nagamit na pondo, hindi sa katiwalian. Pinagtibay rin ni BDP focal person Rose Matucan na walang natukoy na iregularidad sa implementas­yon ng mga proyekto batay sa audit ng COA.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with