^

Bansa

Bagyong Helen, puntirya ang Northern Luzon

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Hindi pa man nakakabangon mula sa pagbaha dulot ng ulan na dala ng habagat, pinaghahanda na naman ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang mga residente sa Northern Luzon na siyang puntirya nga­yon ng bagyong Helen.

Kahapon ng alas-11:00 ng umaga, si Helen ay namataan ng PAGASA sa layong 550 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 80 kilometro bawat oras.

Si Helen ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras . Nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa Isabela, Kalinga Apayao­, Cagayan, Babuyan, Calayan Group of Islands at Batanes Group of Islands

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na malapit sa tabing ilog at dalisdis ng bundok na maging alerto at mapagmasid sa paligid upang makaiwas sa banta ng flashfloods at landslides.

Ang bagyong Helen ay inaasahang pag-iibayuhin ng habagat na magdudulot ng mga pag-uulan sa Luzon at Visayas.

vuukle comment

BABUYAN

BATANES GROUP OF ISLANDS

CALAYAN GROUP OF ISLANDS

CASIGURAN

ISABELA

KAHAPON

KALINGA APAYAO

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

SI HELEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with