Witness sa 'Maguindanao' inuubos?

MANILA, Philippines - Umabot na sa tatlong witness at tatlong kaanak ng mga witness sa Maguindanao massacre ang napaslang kaya nanawagan na ang Malacañang sa mga iba pang saksi sa krimen na tanggapin na nito ang ibinibigay na security ng gobyerno upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nalulungkot ang gobyerno sa pagpaslang sa isa pang testigo ng Ampatuan massacre case.

Natukoy ang pinakahu­ling tatayong witness na si Alijol Ampatuan na napatay noong Pebrero subalit nalaman lamang ang identity nito kamakailan dahil ibang pangalan ang ikinabit dito ng mga pulis.

Wika ni Sec. Lacierda, nais ng gobyerno na malutas agad ang kasong ito kaya muli nilang iaalok sa mga witness at ibang kaanak ng mga witness na hindi pa tumatanggap ng security na tanggapin na ang ibinigay na seguridad ng gobyerno upang maproteksyunan ang kanilang buhay.

Show comments