June 11 'di holiday

MANILA, Philippines - Hindi idedeklara ng Malacañang na special non-working holiday ang June 11 kahit ipit ito sa pag­diriwang ng Independence Day sa June 12 na tumama sa araw ng Martes na isang regular holiday.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, mukhang walang plano si Pangu­long Aquino na magpala­bas ng proclamation upang gawing non-working holiday ang June 11.

Marami ang nagtata­nong kung may plano si PNoy na ideklarang special holiday ang June 11.

“On June 12 the cele­bration will remain, we will celebrate it Tuesday,” sabi ni Valte.

Show comments