'Outsider' na Chief Justice ok kay PNoy

MANILA, Philippines - Bukas si Pangulong Aquino sa pagtatalaga ng ‘outsider’ sa Korte Suprema bilang kapalit ng napatalsik na Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma, nais ng Pangulo nang malawak na pagpipilian ng bagong punong mahistrado.

Unang lumabas ang pa­ngalan nina Sen. Franklin Drilon at BIR Commis­sioner Kim Henares habang matagal nang lumulutang ang hangad ni acting Chief Justice An­tonio Carpio na maitalaga sa puwesto.

Tumaas umano lalo ang kumpiyansa ni PNoy matapos katigan ng taumbayan ang pagpapatalsik kay Corona.

Show comments