Bitay sa Pinay sa Malaysia
- Ni Ellen Fernando () - May 30, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hinatulan ng parusang bitay ng Malaysian High Court ang isang Pinay domestic helper matapos mahulihang nagpupuslit ng mahigit isang kilong cocaine habang nasa isang bus terminal sa Kuala Lumpur.

Kinilala ang Pinay maid na si Eliza San Gabriel, 45, na napatuna­yang nagkasala sa pagdadala ng 1.1269 kilo (1,1269 grams) cocaine habang pasakay sa Puduruya bus terminal dakong alas-8:50 ng umaga noong Agosto 28, 2009 patungong Thailand.

Hinatulan ni Judge Datuk Mohd Sofian Abdul Razak ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti si San Gabriel matapos na mabigo ang kanyang depensa na magbigay ng mga ebidensya upang pabulaanan ang kasong drug trafficking na isinampa laban sa kanya. Sa depensa ni Gabriel, ipinadala lamang umano ng isang kaibigan mula Peru ang kanyang bagahe at hindi niya alam na may lamang droga habang palabas sa Malaysia patungong Thailand.

AGOSTO ELIZA SAN GABRIEL HINATULAN JUDGE DATUK MOHD SOFIAN ABDUL RAZAK KINILALA KUALA LUMPUR MALAYSIAN HIGH COURT PINAY PUDURUYA SAN GABRIEL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with