Gabriela pumalag sa diplomat na nang-rape

MANILA, Philippines - Maari raw na dumami ang mga diplomat na manggagahasa kung totoo na mayroon silang immunity na makasuhan sa paggawa ng krimen.

Sinabi ni Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na naka­gugulat ang pahayag ng Department of Foreign Affairs na hindi maaaring makulong ang Panamanian na si Erick Bairnals Shcks, na inakusahan na nanggahasa ng 19-anyos na Pinay. Pinakawalan si Shcks matapos na sabihin ng DFA na mayroon itong immunity sa kaso.

“Baka maging dahilan pa iyan para manggahasa ang mga diplomat dahil hindi naman pala sila puwedeng kasuhan. Nakakagalit dahil nag-apologize pa ang DFA,” ani Ilagan.

Sinabi ni Ilagan na sobra-sobrang hospitality ang nais ibigay ng gobyerno sa mga consul.

“At saka, ang mga ambassador, consul at first secretary lamang ang may immunity sa kasong hindi tataas sa 6 years ang parusa. Etong Panamian diplomat na ito ito, hindi naman mataas ang posisyon. Technical staff lang at heinous crime ang kanyang nagawa. Bakit siya pinakawalan?” saad ng lady solon.

Show comments