^

Bansa

Dumudura sa kalsada may multa, kulong pa

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Maaari ng makulong at magmulta ang mga dumudura sa mga kalsada at pampublikong lugar kapag naging batas ang House bill 5901 ni Ave Partylist Rep. Eulogio Magsaysay.

Layon ng panukala na matugunan ang mga bad habit na pagdura sa mga pampublikong lugar na nagiging sanhi ng pagkalat ng mga nakakamatay na sakit tulad ng tuberculosis (TB) at hepatitis.

Sa ilalim ng HB 5901, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdura, sinasadya man ito o hindi sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada, alleys, sidewalks, parks, mga palengke, public halls, malls, building, terminals, schools, churches, hospitals at iba pang katulad na lugar.

Sa ulat ng World Health Organization (WHO), umaabot na sa 75 Filipino kada araw ang namamatay sa TB at iba pang nakakahawang sakit na nakukuha sa hangin.

Ang Mycobacterism tubercolosis umano ang bacteria na nagiging dahilan ng TB ay ma­aring mabuhay sa loob ng ilang linggo hanggang walong buwan at ang pagdura ang isa sa itinuturong dahilan sa malawakang pagkalat nito.

Ang mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar ay ma­aring makulong ng hanggang anim na buwan at multang P500 sa unang pagkakasala, P1,000 sa ikalawa at P2,000 sa ikatlo.

vuukle comment

ANG MYCOBACTERISM

AVE PARTYLIST

EULOGIO MAGSAYSAY

LAYON

LUGAR

MAAARI

PAGDURA

PAMPUBLIKONG

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with