Problema ni Pacquiao sa BIR 'di raw konektado sa impeachment ni Corona

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi kahapon ng Malacañang na may koneksiyon ang problemang kinakaharap ngayon ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi nito paglagda sa impeachment complaint ni Chief Justice Renato Corona noong nasa House of Representatives pa lamang ang reklamo.

Ayon kay deputy pre­sidential spokesperson Abigail Valte, hindi totoo ang mga ispikulasyon na may koneksiyon sa impeachment complaint ni Corona ang problema ni Pacquiao.

Ilang senador na ang tumuligsa sa BIR dahil mistulang ginigipit umano si Pacquiao ng gobyerno sa kabila ng mga karangalan na ibinibigay nito sa bansa.

Isa rin si Senator Joker Arroyo sa mga nagdududa at kumuwestiyon kung konektado ang problema ni Pacquiao sa BIR sa hindi nito pagsuporta sa impeachment complaint ni Corona.

Sinabi ni Valte na may hinihingi lamang dokumento ang BIR kay Pacquiao at hindi totoong ginigipit ito ng gobyerno.

Show comments