Buntis na testigo sa impeachment court nanganak na

MANILA, Philippines - Nanganak na kahapon ng umaga ang isa sa mga testigo ng prosekusyon sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona kaya hindi na ito nakabalik kahapon sa witness stand.

Ipinagbigay alam ng prosecution panel sa pagsisimula ng ika-18 araw ng impeachment trial na nanganak na si Leonora Dizon, manager ng Bank of Philippine Island (BPI) sa Ayala Avenue, Makati City.

Inihayag naman ng kinatawan ng BPI na si Rosario Benedicto na  may kapalit na si Dizon na haharap sa impeachment trial bagaman at nagbibiyahe pa lamang ito patungong Senado kaya hindi kaagad makakasalang sa witness stand.

“Our witness from Bank of the Philippine Islands has given birth so we looked for another representative, she’s on the way. She (Dizon) gave birth early this morning 7:45, so naghanap kami ng substitute,” sabi ni Benedicto.

 

Show comments